Interesting po ang news na ito galing sa abs-cbnnews.com website.
"Willing po ako magtestify, sabihin kahit sino man ang involved magulang ko man o kapatid, at kahit sino man involved para sa ikakalutas ng problemang ito at pawang katotohanan lamang ang aking sasabihin."
Ito ang matapang na pahayag ni dating ARMM Governor Zaldy Ampatuan sa kanyang pagharap sa ABS-CBN News sa loob ng kanyang selda sa Bicutan jail.
Puno ng sama ng loob si Zaldy sa kanyang amang si Andal Ampatuan Sr. at kapatid na si Andal Jr. na higit tatlong buwan na raw niyang hindi kinakausap. Sinira daw kasi nito ang kanyang buhay at nadamay pati ang kaniyang pamilya.
"Dahil sa pangyayari, na dahil sa mga insidenteng nangyari na apektado ako, ang aking tungkulin bilang gobernador ang aking pamilya, at maraming taong nasangkot na hindi naman dapat nagyari masama ang loob ko sa kanila," aniya.
Sabi ni Zaldy, dalawang beses nagpulong para planuhin ang masaker noong Nobyembre 2009 kung saan ang kumukumpas umano ay si Andal Jr.
Nakuha daw niya mismo ang impormasyon mula sa isang opisyal ng Maguindanao PNP na nandun sa pulong. Inilahad ito ni Zaldy sa isang pinirmahang affidavit.
Giit ni Zaldy, wala siyang kinalaman sa masaker. May mga testigo rin daw siya at ebidensya na magpapatunay na wala siya sa mga pulong nang planuhin ang masaker.
Inulit niya, nasa MalacaƱang siya nang maganap ang krimen kung saan 57 ang brutal na pinatay.
Ang kanyang testigo, si dating pangulong Arroyo. Problema lang, nilaglag daw sya ng kanyang dating amo.
"Siguro naghuhugas kamay siya, o meron siyang iniiwasan, siguro ayaw niya madamay sa pangyayari… Naging matapat po akong governor sa kanya at naging maganda naman po kahuit papano yung pamumuno ko during my time," aniya.
Kaya't may hamon siya sa dating pangulo.
"Sana magsalita kayo, yung insidenteng naganap sa Maguindanao nung November 23, 2009. Magkasama ho tayo at mismong pinunta niyo kami," ani Zaldy.
Sabi ni Zaldy, inaasahan na niya na magagalit sa kanya ang ama at kapatid.
"Wala na akong pakielam kung magalit sila sa akin ang importante po dito makasama ko ang pamilya ko dahil wala akong kinalaman, para sa anak ko, para sa asawa ko, para sa nakakarami, na wala anuman kinalaman, ipaglalaban ko ang karapatan ko, hindi pupwedeng magsawalang kibo nalang ako at lahat ng kaso ibabagsak nila sa akin, wala akong kinalaman dito," aniya.
Paraan din daw ito para malinis ang pangalan ng mga matitinong Ampatuan. Tiniyak pa niya, hindi raw siya aatras hanggang marinig ng husgado ang kanyang testimonya.
Si Zaldy ay isa sa 196 akusado na kinasuhan ng multiple murder kaugnay ng Maguindanao massacre pero hindi pa siya nababasahan ng sakdal hanggang ngayon.
Nauna nang hiniling ni Zaldy sa korte na payagan siyang magpagamot dahil sa kanyang sakit na diabetes mellitus at asthma.
Batid ni Aaldy Ampatuan, delikado ang kanyang buhay dahil sa gagawing pagtestigo. Kaya't hiling niya sa Pangulong Aquino, tiyakin ang seguridad niya at ng kanyang pamilyang nasa Cotabato. Anthony Taberna, patrol ng Pilipino
Paulit-ulit na sinikap ng ABS-CBN News kunin ang panig ng mag-amang Andal Aampatuan Sr. at Andal Jr. sa pamamagitan ng abugado nilang si Atty. Sigfried Fortun, pero hindi ito sumasagot sa aming tawag.
Nananatiling nakakulong sa Bicutan sina Andal Senior at Junior.
Ayon naman sa dating justice secretary ni dating pangulong Arroyo na si Raul Gonzales, imposibleng maging testigo si Zaldy Ampatuan lalo't kung nahaharap siya sa kasong conspiracy.
Balewala rin umanong tumestigo pa si dating pangulong Gloria Arroyo pabor kay Zaldy, dahil hindi rin naman maisasalba ni Ginang Arroyo si Zaldy sa conspiracy charge.
*** Kung kayo ang nasa kalagayan ni Former ARMM Gov. Zaldy, kaya nyo din kaya tumistigo laban sa kapatid or ama nyo? lolz.
source: http://www.abs-cbnnews.com/video/nation/07/11/11/exclusive-zaldy-ampatuan-turns-against-father-brother
No comments:
Post a Comment